Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 4:40 ng umaga ngayong Biyernes, December 4, yellow warning na ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:
APAYAO
– Flora
– Luna
– Pudtol
– Santa Marcela)
CAGAYAN
– Claveria
– Pamplona
– Sanchez Mira
ILOCOS NORTE
– Pagudpud
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Northeast Monsoon at Tail End of a Frontal System.
Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa mga bayan ng Allacapan, Lasam, Lallo at Santa Ana sa Cagayan.
Pinayuhan ang publiko at local disaster risk reduction and management offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.