Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (December 3, 3:00 PM) nakapagtala ng 572 na bagong kaso kaya pumalo na sa 62,681 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 16,459
Laguna – 16,916
Batangas – 10,780
Rizal – 13,116
Quezon – 5,410
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,386.
Nasa 54,586 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 737 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,524
Laguna – 15,424
Batangas – 9,920
Rizal – 11,566
Quezon – 4,152
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 36 kaya umabot na sa 1,709 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 428
Laguna – 380
Batangas – 313
Rizal – 426
Quezon – 162
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.