Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Laguna.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 4:02 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Nueva Ecija, Quezon at Batangas.

Maaapektuhan din ang Concepcion, Tarlac; Magalang, Arayat at Mexico sa Pampanga.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...