Pagbabawal sa mga menor de edad na pumunta sa mall, iginagalang ng Palasyo

Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng 17 Metro Manila mayors na pagbawalan na muna ang mga menor de edad na makapamasyal sa mga shopping mall ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa guidelines naman ng Inter-Agency Task Force na kapag ang isang lugar ay nasa modified enhanced community quarantine at modified general
Community quarantine ang isang lugar, tanging ang mga nag-eedad 15 hanggang 21 lamang ang maaaring lumabas.

Pero depende pa rin aniya ito sa pagpapasya ng local government units.

“Well, ang guidelines naman po talaga ng ating IATF ay kapag naka—from MECQ to MGCQ, from 21 years old to 15 puwedeng lumabas pero discretion po ng local government units kung ano iyong edad na palalabasin,” pahayag ni Roque.

Una rito, sinabi ni Metro Manila Development Authority Gen. Manager Jojo Garcia na sumangguni muna ang Metro Manila Council sa mga eksperto at hindi pumabor ang Philippine Pediatrics Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Phils., na payagan ang mga bata na makapasyal sa mga mall.

Bawal ang 14 na taong gulang pababa na mamasyal sa mga shopping mall.

Base aniya sa pananaw ng mga eksperto, karaniwang asymptomatic carriers ng virus ang mga bata.

Read more...