BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 435,413

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 3), umabot na sa 435,413 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 27,642 o 6.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,061 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.28 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 5.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,446 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 328 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 399,325 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...