Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, bumaba sa 752

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,413 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (December 3).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 752 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

23,935 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 726 pa rin o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 18,964 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...