Bilin ni Senator Manny Pacquiao sa mga kasapi ng PDP-Laban; huwag masangkot sa korapsyon

Mahigpit ang bilin ni Senator Manny Pacquiao sa mga kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Bilang bagong presidente ng partido, binilinan ng senador ang mga miyembro ng ruling party na huwag masasangkot sa anumang uri ng korapsyon.

Sa kaniyang talumpati matapos manumpa sa pwesto, tinawag ni Pacquiao na “cancer” ang korapsyon na aniya namamayani sa pamahalaan sa nakalipas nang mga henerasyon.

Ayon sa senador galit siya sa kurap na opisyales pati na rin sa mga kurap na government workers.

“Kalaban natin ang mga kurakot. Ang ninanakaw nila ay inuutang pa natin. Nakakalungkot na milyon-milyong mga kababayan natin ang nagugutom, nagkakasakit at nawawalan na ng pag-asa habang ang bilyon-bilyon naman ay ninanakaw ng iilan sa gobyerno,” ayon sa senador.

Si Pacquiao ang pumalit kay Senator Aquilino Pimentel III bilang presidente ng partido.

Si Pimentel na ngayon ang executive vice-chairman ng PDP-Laban.

 

 

Read more...