Pagkakaaresto kay Amanda Echanis na anak ni Ka Randy Echanis kinumpirma ng PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa anak ng napaslang na si peace consultant Randall “Ka Randy” Echanis.

Si Amanda Echanis kasama ang kaniyang isang buwang gulang na sanggol ay dinakip sa police operation sa Cagayan noong Miyerkules.

Ayon sa Cagayan police, hindi naman totoong ikinulong o ipinasok sa selda si Echanis kasama ang kaniyang sanggol.

Sa ngayon ayon sa PNP Cagayan, pansamantalang nasa CIDG regional office ang mag-ina at babaeng police personnel ang nagbabantay sa kanila.

Nakikipag-ugnayan na din ang pulisya sa DSWD para sa pansamantalang pangangalaga sa sanggol ni Echanis.

Sa isang panayam sinabi ni PNP chief Police General Debold Sinas na si Amanda Echanis ay sangkot sa underground rebel groups.

 

Read more...