Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 186,000 pa

Umabot na sa lagpas 14.2 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 186,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 14,296,898 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 5.5 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 2,600 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 279,698 na.

 

 

 

Read more...