LeBron James lumagda ng panibagong dalawang taon na kontrata sa LA Lakers

Lumagda sa panibagong dalawang taong kontrata sa Los Angeles Lakers si LeBron James.

$85 million ang halaga ng contract extension ni James sa Lakers.

Pinangunahan ni James ang pagsungkit ng Lakers sa NBA championship sa katatapos na NBA bubble na ginanap sa Orlando noong Oktubre.

Siya din ang itinanghal na MVP.

Sa pagbubukas ng panibagong NBA Season sa Dec. 22 makakaharap ng Lakers ang Los Angeles Clippers.

 

 

 

Read more...