Nangako si Go na isinusulong ng gobyerno ang holistic approach para tulungan ang mga apektadong komunidad na agad makarekober at makapag-simulang muli.
“Nandito lang kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte na palaging handang magserbisyo sa inyong lahat dito sa Cavite City sa abot ng aming makakaya. Wala pong tulog ang serbisyo, lalo na sa panahong pinaka nangangailangan ang mga Pilipino,” pangako nito sa mga residente.
“Huwag kayong magpasalamat sa amin dahil trabaho namin ang magserbisyo sa inyo. Kami ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataon na magserbisyo sa ating bayan,” saad ni Go.
Ang malalakas na buhos ng ulan dala ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ang nagpalala sa baha dahilan para ma-displaced ang libu-libong Filipino nitong Nobyembre.
Sanhi nito, patuloy na nirerespondehan ng grupo ni Go ang panawagan ng tulong at pamamahagi ng ayuda sa ibat-ibang apektadong bayan at lungsod sa Cavite at iba Lang mga lalawigan tulad ng Rizal,
Cagayan, Isabela, at sa Metro Manila tulad ng Bicol Region.
Sa kanyang personal na pagbisita sa Cavite City, namahagi ang kanyang team ng pagkain, food packs, vitamins, masks, face shields at iba pang porma ng ayuda sa 500 flood victims.
Ilang piling benepisyaryo ang nabigyan ng bisikleta, ang iba naman napagkalooban ng tablets
para magamit ng kanilang mga anak sa online classroom activities.
“Pakiusap ko sa mga bata, mag-aral kayong mabuti bilang konsuwelo sa inyong mga magulang. ‘Yan lang ang maigaganti ninyo sa kanila na nagpapakamatay para lang makapagtapos kayo ng pag-aaral,” paalala ng senador.
Nagbigay din ang Department of Agriculture ng financial assistance sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Enhanced KADIWA ni Ani at Kita Inclusive Food Supply Chain Program.
Namahagi din sila ng They perishable at non-perishable food items sa mga higit na nangangailangang pamilya.
“Ang pangunahing interes ko ay ang availability, accessibility, and affordability ng mga bakuna kontra COVID-19. Dapat rin na kayanin nating mabigyan ng libre ang mga mahihirap at vulnerable sectors para makabalik na sila sa normal na pamumuhay,” Sabi ni Go.
“Dapat rin siguraduhin na safe at effective ang vaccine na gagamitin natin. We should not take chances. Buhay ng mga Pilipino ang nakataya dito,” dagdag nito.
Sa kanyang pahayag sa mga benepisyaryo, nag-alok si Go na ayudahan ang mga nangangailangan ng agarang
medical care.
“Kung sino pong kailangan sa inyong magpa-opera sa Maynila, transplant o kahit anong operasyon, sabihin niyo lang at ang aking opisina ang sasagot sa operasyon at pamasahe ninyo,” wika ni Go.
Inimpormahan din nito ang mga pamilya na may medical concerns na madali nilang makuha ang
medical assistance sa pamamagitan ng Malasakit Center sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City.
Kinilala ng Senator ang efforts ng local officials sa kanilang dedikasyon na pagsilbihan ang ka kanilang constituents.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay sina Vice Governor Ramon Revilla III, Board Member Romel R. Enriquez, Mayor Bernardo S. Paredes, Association of Barangay Captains President Apple P. Paredes at National Youth Commission Chair Ryan R. Enriquez.
“Sa mga taga-Cavite, andito ang gobyerno, andito si Pangulong Duterte. Sa abot ng aming makakaya, tutulong kami sa inyo. Magtulungan lang tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayong mga kapwa Pilipino,” apela ni Go.
“Konting tiis lang. Importante buhay tayo at importante mayroon tayong makain. Tuloy-tuloy po ang ating buhay. Malalagpasan din po natin ang krisis na ito,” pangako nito.