Binabantayang LPA ng PAGASA nasa bahagi na ng Albay

Patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Poblacion, Albay.

Ayon sa PAGASA nananatiling maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA.

Ngayong araw makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, mga lalawigan ng Aurora at Quezon dahil sa Tail-end of a Frontal System at LPA.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Amihan.

Habang sa Mindanao at sa nalalabing bahagi ng Visayas ay localized thunderstorms lamang ang iiral.

 

 

 

Read more...