Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa mahigit 62,000

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (December 2, 3:00 PM) nakapagtala ng 360 na bagong kaso kaya pumalo na sa 62,109 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 16,141
Laguna – 16,796
Batangas – 10,766
Rizal – 13,011
Quezon – 5,395

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,587.

Nasa 53,849 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 206 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 15,228
Batangas – 9,882
Rizal – 11,448
Quezon – 4,141

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,673 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 370
Batangas – 310
Rizal – 422
Quezon – 162

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...