Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 2, umakyat na sa 19,965 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,828 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 81.84 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
83 naman ang gumaling pa kaya 17,575 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 562 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES