Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 944

Nagkaroon pa ng 19 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang December 2, 24,205 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 944 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 154 ang bagong gumaling kung kaya 21,871 na ang COVID-19 recoveries.

Isa ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,390 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...