Active COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nasa 55

Umabot na sa 4,930 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (December 2), sa nasabing bilang ay 55 pa rin ang aktibong kaso.

260 ang bilang ng probable case at 15 ang suspected cases.

Samantala, 4,715 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 160 ang bilang ng nasawi.

Read more...