Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 2), umabot na sa 434,357 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 26,916 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,438 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.1 porsyento ang asymptomatic; 0.29 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 5.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 18 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,436 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 232 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 399,005 o 91.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.