20 fiberglass boats, ibibigay sa mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay sa Bicol

PCG photo

Dadalhin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 fiberglass boat mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Region 8 sa Bicol region.

Ibibigay ang mga bangka sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay.

Dagdag ito sa naunang 50 fiberglass boat na naipadala sa naturang rehiyon noong November 20.

Isinakay ang mga bangka sa BRP Lapu-Lapu.

Maliban sa mga bangka, may karga ring relief supplies sa BRP Lapu-Lapu mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon.

PCG photo
Read more...