Mga miyembro ng makakaliwang grupo na tinukoy ni Pangulong Duterte na komunista hindi aarestuhin

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na ipaaresto ang mga miyembro ng makakaliwang grupo kahit na tinukoy na ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga komunista.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, na-decriminalize na kasi noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na komunista ang Makabayan, Bayan at Gabriela.

Ayon kay Roque, ang tanging hiling ng pamahalaan ay itakwil ng makakaliwang grupo ang pagsuporta sa New Peoples army na armed group ng CPP.

Ayon kay Roque hindi kasi makatarungan ang mag armas at mag aklas laban sa pamahalaan, ang pumatay ng mga sibilyan at mga sundalo.

Ayon kay Roque, ang mahirap sa makakaliwang grupo kapag nagpapalabas ng mga statement ay palaging magkaakibat ang CPP at NPA.

Tanong ni Roque sa makakaliwang grupo, bakit hindi nila maitakwil ang paggamit ng armas.

Tanging hiling aniya ng pamahalaan ay itakwil ito dahil Kriminal ang paggamit ng dahas at sandata laban sa Republika ng Pilipinas.

 

 

 

Read more...