Gobyerno pinagsasagawa ng Flood Summit

Pinagsasagawa ng “flood summit” ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang pamahalaan upang hindi na maulit ang mga nangyaring malawakang pagbaha.

Ayon kay Castelo, maaring itulad sa mga bansa sa Europa ang flood prevention measures ng Pilipinas dahil matagumpay ang mga bansang ito sa pag-kontrol sa baha.

Puwede anyang magpadala ng mga kinatawan ng bansa sa Europa upang pag-aralan ang kanilang mga programa at mga itinayong flood containment structures para maiwasan ang matinding pagbaha.

Kinuwkestyon ni Castelo kung ano ang mga nagawa ng gobyerno dahil sa gitna ng global health crisis ay muling naulit ang malawakang pagbaha na mas malala pa kumpara sa nakalipas na 11 taon noong salantain at palubugin sa baha ang buong Metro Manila ng bagyong Ondoy.

Sa panukalang isinusulong ni Castelo ay ipinasasama nito sa flood summit ang mga kaukulang ahensya kabilang ang Office of Civil Defense (OCD), Department of Interior and Local Government (DILG), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of National Defense (DND), Department of Science and Technology (DOST), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Office of the President (OP).

Ipinasasama din ng kongresista sa comprehensive flooding and disaster response program ang mga LGUs dahil ang mga ito ang magpapatupad ng kautusan at magmamando sa ground.

 

 

 

Read more...