Ina at 3 anak, patay sa sunog sa Maynila

fire-defaultNasawi ang ina at tatlo niyang anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Tondo Maynila kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Evelyn Verzosa, at kaniyang mga anak na sina Marky Sungat, 4 na taong gulang; Micaela Sungat, 6 na taong gulang at Edison Sungat, 7 taong gulang.

Ayon kay Manila Fire Department chief Jaime Ramirez, maliban sa mga namatay may isa ring naitalang sugatan sa sunog na nakilalang si Raffy Fernandez.

Nagsimula ang sunog alas-11:00 ng gabi kagabi na umabot sa Task Force Alpha alas 11:30 ng gabi.

Tatlong pagsabog pa ang narinig habang inaapula ang sunog.

Naapula ang sunog pasado ala-1:00 na ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa nag-spark na linya ng kuryente sa loob ng bahay ng pamilya Sungat at nadamay na ang mga katabing kabahayan.

Tinatayang aabot sa P5 million ang pinsala ng naturang sunog.

Read more...