VP Binay, ipinagtanggol ng kaniyang anak sa isyu ng ‘notes’ sa debate

BinaysIpinagtanggol ni dating Makati Mayor Junjun Binay ang kaniyang amang si Vice President Jejomar Binay na pawang sinisisi ng karamihan sa pagka-antala ng mahigit isang oras ng presidential debate kahapon na ginanap sa Cebu.

Ayon sa dating alkalde, ang mga papeles na dala ng kaniyang ama sa debate ay hindi “notes,” bagkus ay mga dokumento umanong magpapatunay na siya ay inosente sa mga akusasyong ibinabato laban sa kaniya.

Giit pa ni Junjun, walang ginagawang mali ang Bise Presidente, dahil inamin naman ng TV5, ang himpilan na humawak sa pangalawang presidential debate, na sila ang nagkamali sa pagbibigay ng impormasyon sa kaniyang ama.

Aniya pa, hindi naman ito labag sa napag-usapan sa ilang mga pagpupulong na dinaluhan ng kanilang mga kinatawan, kung saan napagkasunduan na maari naman magdala ng papeles.

Kinwestyon niya pa ang pag-kontra ng mga katunggali ni VP Binay ang pagdadala niya ng mga dokumento, at sinabing bakit ngayon lamang sila kokontra at hindi noon pa sa mga pagpupulong.

Humingi na rin ng paumanhin si TV5 Executive Luchi Cruz-Valdes sa maling impormasyon na kaniyang naibigay sa kampo ni VP Binay kaugnay nito, at hindi rin niya aniya ito alam.

Read more...