Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 32,000 sa magdamag

Umabot na sa halos 9.5 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng 32,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,495,661 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 430,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 138,090 na.

 

 

Read more...