Tatlong miyembro ng gun-for-hire group patay sa engkwentro sa Caloocan

Tatlo miyembro ng gun-for-hire group ang nasawi matapos ang engkwentro sa mga otoridad sa North Caloocan.

Nangyari ang insidente Miyerkules (Dec. 2) ng madaling araw sa bahagi ng Quirino Highway.

Una rito ay nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group na isa sa mga suspek ang mataan sa lugar.

Agad naglagay ng checkpoint at doon naharang ang isang sasakyan dahil sa kahina-hinalang plaka.

Sa halip na huminto sa checkpoint, nagtangka ang mga suspek na tumakas kaya nauwi sa putukan ang insidente.

Agad nasawi ang tatlong suspek habang isa naman ang nakatakas.

 

 

 

Read more...