Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,224 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Mieyrkules (Dec. 2).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QC-ESU at district health offices.
Samantala, nasa 615 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
23,891 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 718 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 18,705 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES