Tatlong mga dam sa Luzon nagpapakawala ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 07:54 AM

Mayroong tatlong dam sa Luzon ang nagpapakawala pa rin ng tubig.

Ayon sa abiso ng PAGASA, ang water level ng Ambuklao dam ngayong Miyerkules (Dec. 2) ng umaga ay nasa 751.64 meters.

Mayroon itong isang gate na nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Ang Binga dam naman, mula sa dalawang gate na nakabukas kahapon, ay isang gate na lamang ang nakabukas ngayong umaga.

Nasa 574.65 meters ang water level nito.

Isang gate din ang nakabukas sa Magat dam sa Isabela.

Nasa 189.24 meters naman ang water level nito ngayong umaga.

 

 

TAGS: dam status, Pagasa, water level, Water supply, dam status, Pagasa, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.