Active COVID-19 cases sa Western Visayas, nasa 1,859

Nagpositibo ang 71 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 1, umakyat na sa 19,905 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,859 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 80.90 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

92 naman ang gumaling pa kaya 17,492 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 554 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...