Ilang parte ng Bicol at iba pang lalawigan, makararanas ng pag-ulan

Naglabas ng abiso ng PAGASA hinggil sa mga umiiral na weather system sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Martes ng hapon (December 1), ito ay dulot ng LPA at Tail-end of a Frontal System.

Asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Marinduque, Oriental Mindoro at Romblon.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na isa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...