Ito ay para mabatid kung naging maayos na ang serbisyo ng dalawang telcos.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang nararamdaman ang taong bayan na mayroon nang improvement o pagbabago sa serbisyo ng Globe at Smart.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang nakararanas ng hindi magandang serbisyo ng telcos.
“Ang karanasan natin ay talagang ganiyan din ang nararamdaman ng buong bayan, at si Presidente rin siguro napapansin niya wala pa ring improvement. So hinihimok ko po ang ating mga telcos: Ano naman po ang isusukli ninyo matapos kayong pagbigyan ng Presidente doon sa hinihiling ninyo na mas mapabilis iyong pag-approval ng mga telecom towers? Tingin ko naman siguro dahil nakuha na nila iyong mga approval, it’s a matter of installing the telecoms towers. Pero I would like to invite both companies to submit to us, iyong mga bagong towers na naitayo na nila and I really want them to commit kung kailan sila magkakaroon nang mas mabuting serbisyo,” pahayag ni Roque.
Matatandaang sa State of the Nation Address noong Hulyo, pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang Globe at Smart na ayusin ang serbisyo hangang sa Disyembre dahil kung hindi ay maaring maipasara ang kanilang mga kumpanya.
“Hayaan po ninyo, binibigyan lang natin ng pagkakataon na magpakitang gilas ang telecoms dahil pinagbigyan naman ng Presidente ang kahilingan nila. Natatandaan ko po iyong pagmi-meeting na iyan, dumating iyong presidente ng Globe, pero ang hinihingi niya ay dapat mapabilis ang pagtatayo nila ng tore – pinagbigyan po ng Presidente. Pero if you ask me po, iyon na nga, ano naman ang kapalit niyan? Baka naman hindi tore talaga ang problema dahil hanggang ngayon po, parang hindi nag-improve,” dagdag pa nito.