Miss Universe Pia Wurtzbach at Dr. Mike, ‘dating’ na

pia-with-dr-mike-e1458452461200Mismong si Dr. Mike o Mikhail Varshavsky, na kilala bilang “Hottest Doctor on Instagram,” at “Sexiest Doctor Alive” ng People’s Magazine, na ang nagsabi na dine-date niya si Miss Universe Pia Wurtzbach.

Sinabi ni Dr. Mike sa panayam sa entertainment website na Wonderwall.com na nagde-date na sila ni Pia, at nasasabik siya sa kung anupaman ang mga mangyayari sa hinaharap.

“I am dating Pia. It’s a fairly new relationship but I’m really excited to see where it can go!” aniya.

Nag-simula at lalong tumindi ang mga usap-usapan na baka mag-kasintahan na nga ang dalawa dahil sa mga pinopost nilang litrato na magkasama sa kanilang mga social media accounts.

Makikita kasi sa mga litrato nina Mike at Pia na tila masaya sila na kasama ang isa’t isa at parang may connection din ang dalawa.

Bagaman kinumpirma ito ni Mike, noong isang linggo naman sa kaniyang live chat sa Facebook, sinabi ni Pia na walang ‘specific someone’ sa kaniyang love life at ang kaniyang prayoridad ay ang kaniyang karera bilang Miss Universe 2015.

Read more...