GSIS pensioners makatatanggap na ng cash gift bago mag-Dec. 12

Good news para sa GSIS pensioners.

Matatanggap na ng mga pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang cash gift bago mag December 12.

Ayon sa GSIS, nagsimula na ngayong araw ang pagproseso ng cash gifts sa kanilang pensioners.

Pipilitin ng GSIS na pagsapit ng December 8 ay maipamahagi na ng cash gift.

Tinatayang aabot sa P3.3 billion ang halaga ng Christmas cash gifts na ipamamahagi ng GSIS sa kanilang 330,496 old-age at disability pensioners.

 

 

 

Read more...