Kuratong Baleleng Gang binubuhay ng mga pulis na taga-Zamboanga del Sur

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga pulis na taga-Zamboanga del Sur ang gumagalaw ngayon para buhaying muli ang Kuratong Baleleng Gang.

Ayon sa pangulo, ito rin ang grupo na humahawak sa gang sa Ozamiz.

Sinabi pa ng pangulo na nabasa niya ang impormasyon na ito sa kanyang briefer na natatanggap araw-araw mula sa intelligence community.

“Ngayon, itong mga pulis — kayong mga pulis, p**… May mga pulis diyan sa Zamboanga del Sur na nagtatayo ng parang reviving the — itong gang ni — humahawak sa Ozamiz? Kuratong Baleleng. Mayroon diyan, I read sa briefer mo galing ata sa iyo iyan,” ayon sa pangulo.

Babala ng pangulo sa mga pulis sa Zamboanga del Dur, “better shape up o kung gustong mamatay ng maaga”.

Kahit patayin aniya ng mga pulis sina Interior Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana, mananatiling buhay ang republika ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

Read more...