Ayon kay Defensor, naapektuhan ng Covid-19 crisis ang paglaban ng bansa sa AIDS dahil libu-libong Filipino ang hindi nasusuri sa HIV at marami din ang hindi nagagamot.
Sa datos ng National AIDS Registry, lumabas na mula April hanggang June 2020 o sa kasagsagan ng lockdown ay nasa 934 lamang ang bagong HIV cases na naitala sa buong bansa.
Mas mababa ito ng 68 porsiyento mula sa
2,938 na naitala sa parehong panahon noong isang taon.
Sa kabuuan, mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay nasa 5,627 lamang ang mga bagong kaso ng HIV, mas mababa ng 42% kumpara sa 9,749 cases na nadiskubre sa loob ng siyam na buwan noong 2019.
Sabi ng mambabatas, dahil marami ang hindi nasusuri at hindi nagagamot ay maaaring lalo pang kumalat ang HIV dahil sa sexual contact nang hindi nalalaman.