Bicameral Conference Committee meeting para sa P4.5T 2021 budget simula na ngayong araw

Target ng bicameral conference committee para sa panukalang P4.5 Trillion 2021 national budget na tapusin sa Biyernes ang pagsasa-ayos sa panukalang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Eric yap, ngayong araw magsisimula ang bicameral conference meeting para sa 2021 proposed national budget.

Sa gaganaping deliberasyon, sinabi ni Yap na ikukumpara ng House contigent ang kanilang proposed amendments sa bersyon naman ng Senado.

Kapag nakita aniya na mayroong duplications, ililipat nila ang mga pondong ito sa ibang ahensya na higit nangangailangan.

Sabi ni Yap, isa sa mga pinakapangunahing amyenda na isusulong ng House contingent ay ang pagbibigay ng karagdagang P5 billion para sa calamity funds sa susunod na taon upang sa gayon ay matulungan ang mga apektado ng mga bagyong tumama sa Luzon kamakailan.

Tiniyak naman din nito na magiging transparent ang bicameral meeting, subalit iginiit naman na hindi maaring buksan sa lahat na nais na makibahagi sa kanilang deliberasyon dahil maari lamang magresulta ito sa pagkaantala ng proseso.

Nauna nang sinabi ni Lord Allan Velasco na titiyakin ng House contingent sa 2021 budget bicam na sapat ang pondo para sa rehabilitation at recovery ng mga komunidad na apektado ng mga nagdaang bagyo.

 

 

 

Read more...