COVID-19 recoveries sa Quezon City, nasa 23,777 na

May naitala pang bagong mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,088 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Martes (Dec. 1).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 594 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.

23,777 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 717 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 18,584 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

Read more...