Sa magdamag ay nadagdagan pa ng 31,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,463,254 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 437,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 137,659 na.
MOST READ
LATEST STORIES