Dalawa sugatan, 14 na pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa San Mateo, Rizal

Aabot sa labingapat na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa San Mateo, Rizal, Lunes (Nov 30) ng gabi.

Nagsimula ang sunog pasado alas 8:00 ng gabi sa Gen. Luna Street in Barangay Guinayang.

Umabot ito sa 2nd alarm bago tuluyang naapula.

Dalawa ang bahagyang nasugatan sa insidente.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...