Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 154,000 pa

Umabot na sa lagpas 13.9 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 154,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 13,912,419 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 5.4 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 274,289 na.

 

 

 

Read more...