Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Eastern Samar at Samar

Nakararanas ng malakas at patuloy na buhos ng ulan ang Eastern Samar at Samar.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:45 ng umaga ngayong Martes, December 1 yellow warning na ang umiiral sa northern portion ng Eastern Samar at northern portion ng Samar.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Tailend of a Frontal System at ng Low Pressure Area (LPA).

Pinapayuhan ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council na bantayan ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...