Mga mangingisda, magsasaka at upland dwellers sa Lanao del Norte pinagkalooban ng livelihood ni Sen. Bong Go

Dahil sa patuloy na labis na epekto ng Coronavirus disease (COVID-19) sa kabuhayan ng mga Filipino lalo na sa mga mahihirap at vulnerable, nagkaloob si Senator Christopher “Bong” Go ng ayuda sa 665 beneficiaries na idinaos sa tatlong magkahiwalay na batches sa Baroy, Lanao del Norte.

Ang mga tinukoy na benepisyaryo na pawang mangingisda, magsasaka at mga walang trabaho ay nakatanggap ng meals, food packs, vitamins, masks, face shields at medicine packs mula sa grupo ni Go.

“Mayroon akong ipinadala na tulong diyan sa inyo, alam ko hirap na kayo. Ngunit magtiis lang tayo ng konti. Patuloy din kaming tutulong sa inyo para makatawid tayo sa paghihirap na ito,” Sabi ni Go.

Isinagawa ang distribution activities sa Fausto Alavia Memorial Elementary School sa Barangay Lower Sagadan sa Baroy.

“Gamitin niyo ang binigay kong mga masks para makaiwas tayo sa pagkakahawaan ng sakit, lalo na ang COVID-19. Mag-social distancing din tayo at maghugas ng kamay lagi,” Payo ni Go.

May piling benepisyaryo ang tumanggap ng biskleta habang ang iba naman ay nabigyan ng tablets para sa pag-aaral online ng kanilang mga anak.

“May pinadala rin akong mga bisikleta. May mga tablets din para sa inyong mga anak. Sa mga anak, mag-aral kayo ng mabuti. Nagpapakamatay ang ating mga magulang para lang makatapos kayo. Pakunswelo na sa kanila na makatapos kayo,” dagdag ng senador.

Kamakailan ay dumalo si Go sa official launch ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program na idinaos sa Bagong Pag-asa Green Village in Barangay Tacub, Kauswagan, Lanao del Norte.

Dumalo din siya sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Kapatagan Provincial Hospital.

“Galing po ako diyan sa Lanao del Norte noong nakaraang araw. Nag-launch kami ng BP2 program para sa mga gustong umuwi dito sa Lanao del Norte at nagbukas din ng Malasakit Center,” Sabi ni Go.

“Kapag kailangan niyong magpagamot, pumunta lang kayo sa Malasakit Center na matatagpuan sa Kapatagan Provincial Hospital at sa Gregorio Lluch Memorial Hospital sa Iligan. Makakatulong sa inyo ang Malasakit Center sa inyong pangangailangan sa kalusugan, lalo na para mag-zero balance ang inyong mga bayarin sa ospital,” dagdag nito.

May hiwalay na tulong din na ipinagkaloob ang mga kinatawan ng DSWD, DTI, DOLE, at TESDA.“Magtulungan lang tayo at ingat po kayo palagi. Mahal namin kayo ni Pangulong Duterte. Sa mga Muslim, As-salamu alaykum. Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito, kung ano ang puwede natin gawin o puwede nating maitulong sa ating kapwa, gawin na natin dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito. Magtulungan lang tayo,” saad ni Go.

“Kami ni Presidente Duterte, magseserbisyo kami sa inyo dahil para sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” pagtatapos nito.

 

 

Read more...