Liloy, Zamboanga del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 37 kilometers northwest ng bayan ng Liloy alas-7:05 umaga ng Martes (December 1).

May lalim na 41 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...