Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 213.90 meters alas-6:00 umaga ng Martes (December 1) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 213.17 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.07 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.43 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.35 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.31 meters.
Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao at Caliraya dams naman ay nabawasan.
Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.