Gilas Pilipinas naitala ang ikalawang panalo sa Fiba Asia Cup 2021 Qualifiers

Naitala ng Gilas Pilipinas ang ikalawang panalo nito sa ginaganap na Fiba Asia Cup 2021 Qualifiers sa Manama, Bahrain.

Sa laban kontra Thailand, Lunes (Nov. 30) ng gabi, naitala ng Gilas ang ikalawang panalo laban sa nasabing bansa sa score na 93-69.

Nagtala si Javi Gomez De Liaño ng 19 na puntos kabilang ang apat sa three-point area.

Ang kapatid niyang si Juan ay nag-ambag din ng 14 na puntos kabilang ang apat na 3-pointers.

Noong Biyernes unang tinalo ng Pilipinas ang Thailand sa score na 93-61.

 

 

 

Read more...