20 degrees Celsius naitala sa Metro Manila ngayong umaga

Malamig ang naging unang araw ng Disyembre matapos makapagtala ng mababang temperatura ngayong araw sa Metro Manila.

Ayon sa datos mula sa automated weather station ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga ngayong Martes (Dec. 1) naitala ang 20 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mababang temperatura ngayong umaga ay ang mga sumusunod:

La Trinidad, Benguet – 12 degrees Celsius (5:50AM)
Atok, Benguet – 14 degrees Celsius (5:50AM)
Tagaytay, Cavite – 18 degrees Celsius (6:00AM)

Sa Baguio City ilang sunod na araw na ding nakapagtatala ng mababang temperatura.

Ngayong araw, naitala ang 12 degrees Celsius sa lungsod ganap na alas 5:00 ng umaga.

 

 

 

 

Read more...