Looc, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 27 kilometers southwest ng bayan ng Looc, alas-10:31 gabi ng Lunes (November 30).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...