Ito ang tinuran ng kinatawan ng Magsasaka partylist na si Argel Cabatbat, sa harap nang pagtaas ng demand ng mais sa Pilipinas.
Ayon kay Magsasaka Partylist Representative Argel Cabatbat, aabot sa 600 metric tons ng mais ang aangkatin ng Department of Agriculture sa 2021 dahil sa pagtaas ng demand nito sanhi naman ng paglago ng poultry industry sa bansa.
Paliwanag ng kongresista, bagaman tumataas kada taon ang produksiyon ng mais sa bansa ay hindi naman ito sapat para punan ang demand sa merkado.
Tumaas kasi aniya ang demand sa feeds production matapos lumipat ang mga magbababoy sa poultry farming o pag-aalaga ng manok, matapos tamaan ng ASF o African swine fever ang mga alaga nilang baboy.
Aminado ang kongresista na bumaba ang presyo ng kada kilo ng mais na dati ay binibili sa halagang P13 ngayon ay nasa P11 na lamang ang kada kilo.
Nakadagdag din aniya sa kalbaryo ng mga corn farmers ang serye ng mga bagyo na pumasok sa bansa kamakailan na lalong nagpalugmok sa industriya ng mais.
Kung dati-rati aniya ay aabot sa 314 metric tons ang surplus ng corn production sa bansa ngayon ay halos wala nang natirira sa produksiyon nito dahil sa pag-usbong ng poultry industry.
Maging ang corn oil ay nagkaroon na rin aniya ng substitute sa Tawag na vegetable oil na inaangkat din sa ibang bansa ng mga negosyante.
Umaasa si Cabatbat na magkatoto ang mungkahi ni Agriculture Secretary William Dar na paganahin ang farm clustering o farm consolidation upang mapalakas ang produksiyon ng mga magmamais sa bansa at matugunan ang malaking demand ng corn products sa merkado.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Cabatbat ay pinaiiral na nila ang pilot projects ng farm consolidation sa pitung mga lalawigan para palakasin ang kita ng mga magsasaka at para mailayo sila sa mga financiers at lenders na siyang nagpapahirap sa kanilang kalagayan.
Una nang sinabi ni Roger Navarro, Presidente ng Philippine maize Federation, panahon na para ipatupad ng pamahalaan ang Republic Act 7607 o magna carta for Small farmers sa gitna nang mababang presyo sa bentahan ng mga produktong mais.
Paliwanag ni Navarro, bagaman P80-Bilyung ang iniaambag ng sektor ng mga magmamais sa Gross Domestic Income(GDI) ng bansa ay P1-B lamang kada taon ang inilalaan na pondo para sa kanilang industriya.