No lotto draw sa Holy Week

PCSOInanunsyo na ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na walang bola ng lotto sa ilang araw ng Semana Santa o Holy Week.

Ayon kay PCSO Vice Chairman and General Manager Jose Ferdinand Rojas II, suspendido ang pagbebenta ng lotto tickets at lotto draws mula March 24 o Huwebes Santo hangggang March 27 o Linggo ng Pagkabuhay.

Ang bentahan ng mga tiket at lotto draws ay magreresume sa March 28.

Sinabi ni Rojas na layon ng suspensyon na bigyang respeto ang kataimtiman ng Semana Santa, at upang mabigyan na rin ang lahat ng lotto agents at PCSO employees ng panahon para gunitain ang Holy Week.

Muli namang nagpasalamat si Rojas sa publiko na patuloy na tumatangkilik sa PCSO lotto at iba pang laro na nakakapangalap ng mga pondo para sa iba’t ibang charity projects ng gobyerno.

 

Read more...