Sa araw na ito ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo, o senyales ng pagsisimula ng Mahal na Araw.
Ang palaspas ay gawa sa dahon ng palma o niyog at minsan ay nilalagyan ng mga palamuti.
Ang mga ito ay dinala sa mga simbahan upang mabasbasan ng holy water at sabay-sabay na iwina-wagayway.
Pinaniniwalaan na ang mga palaspas ay nagtataboy ng masamang espiritu at diablo.
Sa Kalakhang Maynila, kabilang sa mga simbahang dinumog ng mga Katoliko ay ang Quiapo Church sa Manila City at Sto. Domingo Church sa Quezon City.
MOST READ
LATEST STORIES