Mahigit pisong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

(UPDATE) Epektibo na ngayong umaga ng Martes, December ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Dagdag na P1.15 ang presyo ng ipinatupad sa kada litro ng gasolina, P1.10 ang kada litro ng kerosene at P1.10 din ang presyo ng ng kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Shell, Petron, SeaOil, Flying V, Petro Gazz, PTT, at Unioil alas 6:00 ng umaga ng Martes, Dec. 1, 2020.

Mas mauuna naman ang dagdag presyo ng Chevron na ipatutupad alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 4:01 pa ng hapon ang dagdag presyo ng Cleanfuel.

 

 

 

Read more...