Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 11,855

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, November 29), nadagdagan ng 35 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 11,855.

Sa nasabing bilang 393 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 448.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 12,696 na.

Read more...